Nabalita rin na kung may Bea Alonzo daw si Jake Cuenca, si Victor naman daw ang pumoporma kay Roxanne Guinoo ngayon. Hindi naman itinanggi ng model turned actor na crush niya si Roxanne, pero sa ngayon ay di siya nanliligaw sa aktres kahit pa nga minsan ay lumabas na sila.
"I like her, sobrang bait niya, sobrang maalaga but yung manligaw, hindi. Nag-Starbucks kami one time then we went to Rockwell. She's with her assistant, nagkaayaan lang nung nagkita kami sa ABS. Saka when we're together, di namin napag-uusapan ang mga sobrang seryosong bagay or kahit si Jake, puro light stuff lang. "Saka fresh pa yung breakup namin ni Valeen, siya naman kay Jake. May tinatawag na three months grace period. Kailangan yun para maiwasan yung love in a rebound."
Hindi kaya malaking factor din kung bakit hindi maligawan ni Victor si Roxanne ay dahil kasama niya sa Coveboys ang ex ni Roxanne na si Jake? "Kasi si Jake, close kami niyan, kailangan ko siyang kausapin bilang respeto lang. Magkaibigan kami," pag-amin naman uli ni Victor.
No comments:
Post a Comment