Friday, July 18, 2008

Young actress Andi Jose admits crush on Victor Basa

Young actress Andi Jose admitted that she has a crush on actor-model Victor Basa.

In an interview with abs-cbnNEWS.com, Jose said that she first saw and admired Basa as a model.

"Opo (crush ko) kasi nakilala ko po siya as a model, nakikita ko siya kung saan saan tapos nagkakilala kami," Jose said during a press conference for Star Magic members born in June.

Jose said that she formally met Basa only three weeks ago. But she said that she was told by her mother, multi-talented actress Jacklyn Jose, that Basa actually spent time with her when she was still young.

Basa and Jose's family were neighbors then.

"My mom told me that he used to take care of me, and I used to call him 'Kuya Toy'," said Jose.
Basa, who was also present during the conference, confirmed that they spent time together as children.

Basa said he remembered that Jose used to always be in shorts. He also said that she used to have short hair, and that she called him 'Kuya Toy' because he was always carrying a toy.

Andi or Andrea Eigenmann in real life, is the daughter of Jose by actor Mark Gil.

She was part of ABS-CBN's defunct television series "Prinsesa ng Banyera." She entered the limelight when she entered the Pinoy Big Brother house as the second houseplayer.

After spending almost two days inside the PBB house she decided to have a voluntary exit.
"Isolated ka, tapos na culture shock ako," explained Jose.

Jose just turned 18 and celebrated her birthday last Friday, June 27th at the Loyola Grand Villas Clubhouse with relatives and friends.

Tuesday, July 8, 2008

Victor Basa, No match kay Willie Revillame na karibal kay Roxanne Guinoo

Nakaharap namin si Victor Basa sa presscon ng Star Magic's June birthday celebrators last Thursday.

Akala namin nu'ng una, wala man lang kaming mahuhugot na something controversial sa binatang ito na isa sa mga members ng Cover Boys.

But as we gon in our interview with him, nalaman naming best of friends sila ni Jake Cuenca na siyempre, ang common denominator nila ay si Roxanne Guinoo na ex ni "Palos" at ngayon ay nali-link naman kay Victor.

Sey ni Victor, "So far, friends lang kami (ni Roxanne)."

Nakakahiya raw kay Jake kung liligawan niya ang byuting bida ng Ligaw na Bulaklak. May tinatawag daw siyang "respeto" na puwede ring sabihing delikadesa. Ito ang reason kung bakit ayaw niya pang ligawan si Roxanne kahit alam naman ng lahat na hiwalay na ito kay Jake.

Kuwento ni Victor, present daw si Roxanne sa birthday celebration niya, pero nilinaw niyang... "As a friend, I invited her."

'Yun nga lang, nalaman naming wala si Jake sa party ni Victor dahil may ibang commitment kuno ito.

Nabalitaan rin namin minsan na type ni Papi Willie Revillame si Roxanne Guinoo. In fact, ito ang leading lady niya sa Mr. Housewife.

'Di ba natatakot si Victor Basa na makabangga si Papi?

Nag-smile lang si Victor at ang say nito..."All is fair naman in love and in war. At saka 'di ko naman nililigawan si Roxanne."

Aba, mukhang may takot ang binata kay Papi 'no?

At sa balitang magbubungee jumping kuno sina Papi at Roxanne, mensahe ni Victor, "Ingat sana!"

Sabi namin, "Kanino mag-iingat si Roxanne, kay Willie?"

Nilinaw kaagad ito ni Victor, "Sa pagba-bungee jumping siyempre. Baka madisgrasya!"

Aba, mukhang ingat na ingat talaga sa pagbibitaw ng salita si Victor, ha? Aba'y malaking pader ang kanyang makakabangga kung sakali. Iba si Papi 'pag na-in love.

Wednesday, July 2, 2008

Victor seen with Roxanne

victor_basa_07 Nabalita rin na kung may Bea Alonzo daw si Jake Cuenca, si Victor naman daw ang pumoporma kay Roxanne Guinoo ngayon. Hindi naman itinanggi ng model turned actor na crush niya si Roxanne, pero sa ngayon ay di siya nanliligaw sa aktres kahit pa nga minsan ay lumabas na sila.

"I like her, sobrang bait niya, sobrang maalaga but yung manligaw, hindi. Nag-Starbucks kami one time then we went to Rockwell. She's with her assistant, nagkaayaan lang nung nagkita kami sa ABS. Saka when we're together, di namin napag-uusapan ang mga sobrang seryosong bagay or kahit si Jake, puro light stuff lang. "Saka fresh pa yung breakup namin ni Valeen, siya naman kay Jake. May tinatawag na three months grace period. Kailangan yun para maiwasan yung love in a rebound."

Hindi kaya malaking factor din kung bakit hindi maligawan ni Victor si Roxanne ay dahil kasama niya sa Coveboys ang ex ni Roxanne na si Jake? "Kasi si Jake, close kami niyan, kailangan ko siyang kausapin bilang respeto lang. Magkaibigan kami," pag-amin naman uli ni Victor.

Victor Basa admits 10-month relationship with Valeen Montenegro

victor_basa_06 Consistent si Valeen Montenegro sa pagsasabing nanliligaw lang sa kanya si Victor Basa. Pero sa pakikipag-usap ng PEP sa Coverboys member recently, inamin nito na tapos na nga ang 10-month relationship nila ng mestisang young star. In fairness to Valeen, inamin din ni Victor na both of them agreed on keeping their relationship discreet muna.

"As much as possible, we kept it very private. Kasi sa work namin, ayaw naming makaapekto sa trabaho ng bawat isa. Like for example, alam ng tao na kayo, pag nag-away kayo o nagkaroon ng tampuhan, alam ng lahat."Nauwi sa breakup ang relasyon nila, but who initiated the breakup?

"Alam ko na di maniniwala ang mga tao sa isang mutual breakup but yun talaga ang nangyari. We weighed the advantages and disadvantages, kasi siyempre ako, may work, Siya may work din and nag-i-school din siya. Ang sinabi ko sa kanya, she has to focus on her schooling and sa career niya and she also realized that. The good thing is that we're still friends."

Sa mga interviews kay Valeen, sinabi nitong ayaw muna nitong makipagrelasyon dahil strict daw ang parents niya. Tinanong ng PEP kay Victor kung naging issue ba ang pagiging istrikto nga ng parents ni Valeen sa relasyon nila.

"It never became an issue. I love her parents," sagot ni Victor.