Wednesday, July 2, 2008

Victor Basa admits 10-month relationship with Valeen Montenegro

victor_basa_06 Consistent si Valeen Montenegro sa pagsasabing nanliligaw lang sa kanya si Victor Basa. Pero sa pakikipag-usap ng PEP sa Coverboys member recently, inamin nito na tapos na nga ang 10-month relationship nila ng mestisang young star. In fairness to Valeen, inamin din ni Victor na both of them agreed on keeping their relationship discreet muna.

"As much as possible, we kept it very private. Kasi sa work namin, ayaw naming makaapekto sa trabaho ng bawat isa. Like for example, alam ng tao na kayo, pag nag-away kayo o nagkaroon ng tampuhan, alam ng lahat."Nauwi sa breakup ang relasyon nila, but who initiated the breakup?

"Alam ko na di maniniwala ang mga tao sa isang mutual breakup but yun talaga ang nangyari. We weighed the advantages and disadvantages, kasi siyempre ako, may work, Siya may work din and nag-i-school din siya. Ang sinabi ko sa kanya, she has to focus on her schooling and sa career niya and she also realized that. The good thing is that we're still friends."

Sa mga interviews kay Valeen, sinabi nitong ayaw muna nitong makipagrelasyon dahil strict daw ang parents niya. Tinanong ng PEP kay Victor kung naging issue ba ang pagiging istrikto nga ng parents ni Valeen sa relasyon nila.

"It never became an issue. I love her parents," sagot ni Victor.

No comments: