Saturday, August 2, 2008

Tell and tell

victor_basa_05 All well that ends well. ’Yan ang drama nina Victor Basa at PJ Valerio nang magkita sa trade party ng ABC 5 sa SMX kamakailan lamang.

Matatandaang nagkaroon ng gap ang dalawang aktor nang akusahan ni Victor si PJ na isa itong bakla.
Nagsimula ang away nang ligawan ni PJ si Valeen Montenegro habang nasa loob ng Bahay ni Kuya ang dyowa nitong si Victor.

Pero ngayon, okay na sila. Dapat lang, ’no! Pare-pareho na silang may show sa bagong ABC 5.
Samantala, kahit tsugi na ang T.e.e.n.s. ni PJ, mapapanood pa rin siya sa isang youth-oriented drama mula sa direksyon ng batikang director na si Al Quinn.

Kasama ni PJ dito sina Empress Schuck, Dino, Imperial, Ryan Julio at Nikki Guevara. ’Yan ang bagong aabangan sa nasabing network.

At siyempre, regular pa rin syang makakasama ni Kuya Germs sa  Walang Tulugan ng GMA-7.
Ang isa pang dapat abangan sa bagets ay ang kanyang pagganap bilang bida sa latest offering ng Repertory Philippines ngayong Agosto.

Gagampanan nya ang lead character na Captain Shang sa Mulan mula sa direksyon ni Joy Virata.

by Mercy Lejarde

No comments: