Sa sobrang excitement ni Victor Basa, nagkandapiyuk-piyok siya sa "Sunglasses at Night" number ng Coverboys kahapon sa Hotel Sofitel in Manila, dahilan para kantiyawan siya ng marami.
"Nagulat kasi ako sa response ng mga taong naroon," sabi ni Victor. "I got so overwhelmed, at ibig sabihin lang, may feelings ang pagkanta ko. It was too late to realize that I was singing off-key, at aminado ako, pumiyok talaga ako," pag-amin ni Victor nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ipinakita na lang ni Victor that he can have grace under pressure. Hindi naging dahilan yun para masira nang husto ang performance ng Coverboys. Kasama niyang nag-perform sina Rafael Rosell, Jon Avila, Jake Cuenca at John James Uy.
"It happens naman in live shows, and we're really trying to sing live na talaga. Kaya lang, hindi puwedeng maging excuse yun para hindi namin paghusayan yung trabaho namin.
"Masyado lang talaga akong na-excite at nawalan ako ng control sa performance ko," napapailing na sabi ni Victor.
Kunsabagay, showboys naman talaga ang Coverboys at hindi raw sila boyband para masabing kailangang mahuhusay silang kumanta.
"Pero, so far, happy ako being a Kapamilya," nasabi na lang ni Victor. "Naroroon palagi ang moral support. Natutuwa ako, because every week, mayroon kaming raket, out-of-town shows. Mayroon talagang clamor for us to perform live, kaya dapat na pinagbubutihan namin.
"Tuloy pa rin yung trabaho ko as a VJ, at saka lagi kaming napapanood sa A.S.A.P., and I'm really very happy," dugtong niya.
EXPOSURES AND GIRLS. Masuwerte na rin si Victor at hindi naman siya nawawalan ng exposure. Sa rami ng talents ng ABS-CBN, kokonti lang talaga yung naisasalang nang madalas.
"Maraming artista who are really struggling," says Victor. "I love my job. I love acting, yun talaga ang hilig ko."
Kung anu-anong tsismis din kay Victor, pero sa mga na-link na girls sa kanya, isa lang ang parang inaamin niya.
"Ah, yung sa amin ni Valeen Montenegro," sabi pa ni Victor. "We were together for about a year. Eventually, na-weigh namin ang pros and cons. She has to work and she has to attend school. Nasa college na kasi siya, e.
"Wala pa naman akong nababalitaan na may tsismis sa aking ibang girls, kasi, ang focus ko talaga, nasa trabaho."
CONVINCING AS GAY. Pero, hindi humihinto ang gay rumors about Victor. Kasi nga, may ilang TV exposures si Victor na gumanap siyang gay, and there was even an indie film, Maling Akala, na convincing siya as a gay.
"Nakagawa na ako ng gay roles, and that's just okay," sabi pa niya. "Those are just roles. I consider myself lucky enough to be given such challenges.
"Bihira ang nakakaganap ng gay roles na nakukumbinsi yung mga tao. I know myself better. They can say whatever they want, for as long as I'm doing my job well, yun ang importante.
"Malaki lang kasi ang audience, lalo sa TV. Nag-iiba ang interpretation lalo na kung larger than life na sa screen.
"I don't think na mata-typecast ako, I accepted nga another indie film, yung Xenoa 2 na hindi naman ako gay roon. Sci-fi adventure film yun, kaya excited ako. I guess people look at me, not as the character, but as an actor who can portray different kinds of roles."